Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 33



Kabanata 33

Sa isang iglap, nagngalit si Madeline sa sobrang sakit. Binuhos ni Jon ang buong lakas niya upang

pahirapan si Madeline. Para bang gusto niyang durugin ang mga buto ni Madeline. Pagkatapos, narinig

ni Madeline ang kanyang mga dahilan.

"Jeremy, huwag mong isipin na sumosobra na ako. Tatayo niya ako at hindi ko matiis na inaapi ng

ganito ang anak ko! Pagkapanganak ni Mer, malalaman kung anong pakiramdam ng maging isang

magulang."

Pagkasabi niya nun, idiniin niya ang kanyang paa sa kamay ni Madeline.

Muling dumugo ang mga sugat sa kamay ni Madeline.

Hindi siya humiyaw sa sakit at hindi rin siya nagmakaawa.

Hindi nagsalita si Jeremy. Kasing lamig ng yelo ang gwapo niyang mukha. Para kay Madeline,

sumang-ayon si Jeremy sa mga ginagawa ni Jon.

"Ang sakit ng mukha 'ko Jeremy. Natatakot ako na baka hindi na gumaling ang mukha ko." Humihikbi si

Meredith sa mga sandaling ito.

Sumimangot si Jeremy at tumingin ng masama kay Madeline. "Dapat lang sa kanya yan."

Pagkatapos ay hinawakan niya si Meredith at sinabing, "Ikaw talaga, pangako ko sayo magiging kasing

ganda uli ng dati yang mukha mo. Tara, sa samahan kita sa kwarto mo." Agad na napasaya ng mga

salita niya si Meredith. Sa kabilang banda, nagawa nitong sirain ang mundo ni Madeline.

"Hindi, dapat si Maddie ang samahan mo. Baka magselos si Maddie." Tinulak ni Meredith si Jeremy.

"Wala akong pakialam kahit mamatay pa sa selos yung babaeng 'to." Dinaanan lang ni Jeremy si

Madeline at tila hindi man lang nag-alala sa kanya.

Pagtalikod ni Jeremy, inangat ni Jon ang kanyang paa. Pagkatapos ay tinapaktapakan niya ang kamay

ni Madeline.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Madeline habang naluluha siyang nakatitig sa likod nila Jeremy at

Meredith habang paakyat sila ng hagdan at magkahawak kamay. Nakaramdam siya ng kirot sa

kanyang puso.

Pagpasok ni Jeremy sa kwarto, sinipa ni Jon si Madeline sa balikat. Hindi man lang siya nagawa kay

Madeline.

"Pasalamat ka naawa ako sayo! Kapag sinaktan mo pa ulit si Mer, ipapuputol ang mga kamay mo! Alis

na!"

Tiniis ni Madeline ang sakit at pinilit niyang tumayo. Subalit, hindi siya nagpatalo sa kanila. "Kapag

ginalit ako uli ni Meredith, sasampalin ko siya ulit."

Hindi inasahan ni Jon na sasabihin yun ni Madeline. Nang mahimasmasan siya, nakalabas na ng pinto

si Madeline.

Noong makalabas siya ng bahay, narinig niya ang nanggagalaiting boses ni Rose. "Tingnan mo yung

kayabangan niya! Bakit hindi mo siya tinapaktapakan ng husto? Sabi ni Mer gumagawa siya ng mga

disenyo para sa ibang tao para kumita ng pera. Gusto kong makita kung paano siya magyayabang

kapag nawalan ng silbi yung mga kamay niya! Gusto kong malaman kung anong gagawin niya para

kumita ng pera!"

Nagsimulang umulan gitna ng madilim at malamig na gabi.

Nakarating sa entrance ng psychiatric hospital si Madeline.

Siguro siya na lang ang nag-iisang kamag-anak niya na makapagbibigay ng pagmamahal ng isang

pamilya sa kanya.

Subalit, ngayong araw, hindi niya kayang harapin si Len dahil wala siyang pera para sa operasyon ni

Len.

Paglapit niya sa pinto, nakita niya ang nurse na nagsabi sa kanya ng tungkol sa kundisyon ni Len na

tumatakbo palapit sa kanya. "Hindi namin makita ang lolo mo!"

Nanlumo si Madeline. "Anong ibig mong sabihin?" Content rights belong to NôvelDrama.Org.

"Nawawala ang lolo mo!"

Natulala si Madeline. Nawawala si Len.

Nawawala ang isang pasyenteng may sakit sa pag-iisip. Hindi niya alam kung anong posibleng

mangyari kay Len.

Ayos lang kung mabuting tao ang makakita sa kanya, pero kung masasamang tao ang makakita sa

kanya…

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Tatawag na sana siya sa mga pulis nang tumunog ang kanyang

phone. Hindi niya kilala ang numerong ito.

Kinabahan si Madeline. Malakas ang pakiramdam niya na hindi ito isang ordinayong tawag. Totoo nga,

pagsagot niya sa tawag, narinig niya ang nakakatakot na boses ng isang lalaki. "Madeline Crawford,

nasakin ang lolo mo. Maghanda ka ng sampung milyon kapalit ng lolo mo. Kung hindi, paghandaan mo

na ang lamay ng lolo mo."

"Huwag mong saktan ang lolo ko! Ibibigay ko sayo ang pera, pero wala akong sampung milyong

dolyar!"

"Ikaw wala, pero yung asawa mo meron, di ba?" Hindi binigyan pagkakataon ng lalaki si Madeline na

makapagsalita bago niya ibaba ang telepono.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.