Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 10



Kabanata 10

Kung hindi tumunog ang alarm clock sa sumunod na umaga, hindi sana magigising si Madeline.

Namula ang mukha niya nang maalala niya kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Jeremy habang

lasing siya.

Pagbalik ng opisina, wala sa isip na nagtatrabaho si Madeline sa kanyang mga disenyo. Hindi niya ma-

i-alis sa kanyang isip ang anino ni Jeremy.

Labindalawang taon na. Imposible namang mapapakawalan niya ang ganitong klase ng pagmamahal

balang araw.

Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Kung posible, gusto niyang bigyan ng

perpektong pamilya ang bata.

“Ding!”

Biglaan, isang notification ang tumunog sa kanyang cellphone na siyang nagbalik sa kanya sa realidad.

Tinignan niya ito at nakita niya ang isang mensahe. Galing ito kay Jeremy!

Nagsimulang tumibok ang puso ni Madeline nang walang tigil. Lalo pa itong nanginig nang buksan niya

ang mensahe.

Ang unang nakita ay isang larawan. Isa itong larawan ni Madeline at Meredith. Kuha ang litratong ito

nang ampunin siya ng Crawford.

Sa larawang ito, nakasuot si Meredith ng isang mamahaling damit. Tila ba nagliliwanag ito na parang

isang prinsesa. Napaka-elegante nito at espesyal. Sa kabilang banda, nakasuot naman si Madeline ng

isang mapusyaw na damit. Napakapangit niyang tingnan at tila ba galing siya sa isang madilim na

kalye.

Sa ilalim ng larawan ay ang mensahe ni Jeremy. Nang makita niya ang laman nito, bumagsak ang

temperature ng mga daliri niya.

‘Madeline, tignan mo naman si Meredith at ang sarili mo. Paano namang ang madumi at mababang

babae na gaya mo ay maaabot ang kwalipikasyon ng pagiging asawa ko?’

Sumaksak ang mga salitang ito na para bang kutsilyong gawa sa yelo. Nakakasakit sa puso at hindi

maganda sa mata.

Naalala na naman niya ang nangyari labindalawang taon ang nakararaan. Hindi niya na kaya ang

kalupitan at galit ni Jeremy para sa kanya ngayon.

‘Jeremy, sinabi mo dati na ako ang pinakamabait at pinakamagandang babaeng nakilala mo. Sinabi

mong papakasalan mo ako para makasama ako habambuhay. Ano na bang nangyayari ngayon?’ NôvelDrama.Org owns © this.

Tumibok nang malakas ang puso ni Madeline. Alam niyang hindi niya ito mapapalagpas.

Agad siyang tumugon, ‘Jeremy, alam kong galit ka sa akin, pero buntis ako ngayon. Pakiusap bigyan

mo ako ng pagkakataon para mahalin ka pati na rin ang bata na magkaroon ng kumpletong pamilya,

ayos ba iyon?’

Matapos ipadala ni Madeline ang mensahe, talagang kinabahan siya. Ganoon pa man, inaabangan

niya ang sagot nito.

Nagtaka siya kung magiging masaya ba si Jeremy kapag nalaman nitong may anak sila. Aabangan rin

ba nito ang kapanganakan niya?

Kaya lang, sa isang kurap ng mata, nawasak ang pantasya niya.

Tumugon lamang si Jeremy sa kanya gamit ang dalawang salita, ‘I-abort mo.’

Naramdaman ni Madeline na tila ba nahihiwa ang puso niya. Bago pa man ito mawala, nagpadala na

naman ng isang mensahe si Jeremy, ‘Madeline, binabalaan na kita. Tanging si Meredith lamang ang

may karapatan na maging ina ng mga anak ko. Ang isang walang hiya na kagaya mo ay dapat na

pumirma na lamang ng divorce papers at agad na umalis sa paningin ko! Kung hindi mo pipirmahan

ang papers, ako na mismo ang papatay sa batang iyan gamit ang mga kamay ko.’

Nanigas ang lahat ng dugo ni Madeline sa katawan. Ang mga matatalas na pananalitang iyon ay puno

ng pagpapahiya sa kanya, tila ba tinatapakan siya nito. Sa parehong pagkakataon, ang sagad sa

butong sakit na ito ang dahilan para mapagtanto ni Madeline na hindi nararapat si Jeremy para sa

lahat ng pagod at sakit niya. Hindi niya dapat ito mahalin habang nagbubulag-bulagan.

Sa kabilang banda, inalis ni Meredith ang lahat ng mensaheng pinadala niya kanina.

Puno pa rin ng pawis ang kanyang kamay matapos itong gawin.

Natatakot siyang mag-iwan ito ng bakas at malaman ni Jeremy ang katotohanan.

Dalawang taon ang nakararaan, nakita niya ang diary ni Madeline kasama ang isang bookmark

habang hinahalungkat niya ang mga gamit nito. May pirma ito ni Jeremy. Ang petsang nakalagay doon

ay sampung taon na.

Halata namang nagkakilala si Madeline at Jeremy sampung taon na ang nakararaan. Bukod pa roon,

may isang romantikong kasunduan ang dalawa.

Subalit, noon, hindi Madeline ang pangalan ni Madeline, at hindi siya agad nakilala ni Jeremy bilang

ang maliit na batang nakipagkasundo sa kanya. Kaya, ginamit agad niya ang sitwasyong ito para sa

ikabubuti niya.

Biglang nagbukas ang salaming pinto, at ang matangkad na anyo ni Jeremy ay makikita rito. Nakaupo

si Meredith sa kanyang mesa at agad na nagbago ang mukha nito. Agad siyang tumayo at nilagay ang

cellphone ni Jeremy sa lugar nito na tila ba walang nangyari.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.