Chapter 3: Sama ng Ugali!
Aleighn's POV
Alas dos ng hapon ng mapansin kong umalis si sir Craige, pero hindi ako nag abalang magtanong kung saan ang punta niya baka kasi mabulyawan na naman ako.
Medyo may pagka monster siya, beauty and the beast ang peg haha ako si beauty siya yung halimaw.
Pinalipas ko ang maghapon bago naisip na umuwi, kahit wala na akong gagawin ay tinapos ko talaga ang oras ng trabaho ko sa bahay niya. Alam kong katulong ako at dapat na mag stay ako dito sa bahay ng amo ko kaya lang ay inaasahan ni Ravi ang pag uwi ko, papasok nalang ako ng maaga kinabukasan
Nag iwan ako ng simpleng note sa may ref para makita niya kung sakali at alam niya na umuwi ako.
Pasado alas siyete ng makarating ako sa bahay ni Aling Choleng at tahimik akong pumasok sa loob, nadatnan ko ang anak kong nakaupo sa hapag at masayang kumakain ng hapunan.
"Hi Ravi ko" bati ko sa anak ko ng makalapit ako sakanya
"Mama!" masayang bati niya saka ako mabilis na hinagkan sa labi
"Hindi po ako makulit kay Nay Choleng... Kain na tayo Mama pagod ka po eh" dugtong na sabi ng anak ko
"Kumain kana Aleighn para magpahinga na kayo ng anak mo pagka uwi sainyo" si Aling Choleng habang naghahanda ng platong kakainan ko
Naupo ako sa tabi ng anak ko at inalalayan siyang kumain pero tumanggi rin naman siya, dahil mas sanay siya na mag isang kumain.
"Aling Choleng ganoon po ba talaga ang ugali niya?" tanong ko sa matanda habang nakain
"Sino yung amo mo?.. Pagtiisan mo, dahil talagang ganun ang ugali niya"
"Pero parang sobrang sama naman po, yung tipong nanghuhusga na siya ng kapwa niya! Bakit? Dahil ba mayaman siya?!" sagot ko
"Kailangan mo ng pera diba? Malaki ang sahod sa kanya kaya pagtiisan mo" dugtong na sabi pa ng matanda
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin agad kami kay Aling Choleng at umuwi na sa bahay. Tatlong bahay lang ang pagitan ng bahay namin sa bahay niya
Agad kong pinaliguan si Ravi para makapag pahinga na siya. Nagkwentuhan kami sandali bago siya tuluyang nakakatulog.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda, sigurado ako na magagalit na naman sa akin si sir Craige kapag nahuli ako sa pasok ko.
Pagpatak ng ala siyete ng umaga ay hinatid ko kaagad ang anak kong si Ravi sa bahay ni Aling Choleng, mabuti nalang talaga at palaging maaga kung magising ang anak ko.
Pakiramdam ko ngayong araw na papasok ako sa bahay ni Mr. Aldomar ay kinakabahan ako, hindi dahil sa matapobre siya kundi dahil sa ugali niyang bigla nalang nakaka panakit gaya nalang noong nagulat ko siya habang nakain at biglang nasamid.
Agad akong nagtungo sa kusina, hindi ko sinuot ang uniporme na binigay niya dahil mahaba taoaga sa akin ang damit, pero nagsuot ako ng damit na sigurado akong hindi naman niya ikaka galit, yung tugma sa ayos ng isang katulong na gaya ko maong na pantalon na halos kupas na nga ang kulay at white vneck na tshirt saka lang flat shoes na halos bibigay na nga yata.
Agad akong naghanda ng almusal niya dahil alam kong ilang sandali nalang ay bababa na siya para sa agahan, muntik na nga akong ma late dahil traffic papunta duto sa mansion niya na sobra sa laki pero halos wala namang tao kundi siya at ako na katulong niya.Published by Nôv'elD/rama.Org.
"Good morning sir" bati ko ng mapansing papalapit na siya sa hapag kainan, suot ang itim na long sleeve polo na nakabukas ang unang tatlong butones, khaki pants at black leather shoes Bilang tugon sa bati ko ay pinag taasan niya lang ako ng kilay
Kalalaking tao ang hilig magtaas ng kilay
"Naghanda na po ako ng agahan ninyo, isusunod ko na kape mo sir" sabi ko habang nilalapag ang pinggan sa harapan niya, hindi naman siya kumibo kaya tumalikod na ako para gawin ang kape niya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Abala ako sa pag brew ng kape niya sa coffee maker ng biglang tumunog ang de keypad kong telepono na isang bagsak lang ay bye bye world na
Tinignan ko kung sino ang tumatawag pagdukot ko sa bulsa 'Andrea' ang dati kong kaklase noong high school na laging nagbibigay sa akin ng raket
Napatawag siya dahil sigurado akong may raket na namang ibibigay sa akin
Sinalin ko muna sa tasa ang kapeng katafapos lang ma brew saka iyon inilapag sa gilad ng plato niya, saka ako dali daling nagpunta sa malayong parte ng kusina para masagot ang tawag ni Andrea "Hello Andeng" bungad ko oag sagot sa tawag
"Parang ayokong bigyan ka ng raket sa tawag mo sa akin!" mataray niyang sagot, ayaw niya nga pala kasing Andeng ang itinatawag ko sakanya
"Joke lang eto naman, saan ang raket kaibigan?" tanong ko habang pasulyap sulyap kay sir Craige na abalang nakain
"Sa high end bar na pinapasukan ko kulang ng waitress, sinabi ko na ang pangalan mo kaya mag uumpisa kana bukas din ng gabi" sagot niya
"Hoy babaita waitress lang ahh baka mamaya may mga manyakis dyan" sabi ko dahil alam kong kapag sa bar ang trabaho tingin ng iba ay pakawala ka lalo at waitress ka
"Sagot kita akong bahala sayo, sige na tawagan kita bukas ikamusta mo ako kay Ravi" untag niya sabay putol na sa tawag
High end bar iyon kaya sigurado akong safe naman siguro at maganda ang sahod, makaka ipon talaga ako ng mabilis ganitong may trabaho ako tapos may bagong raket ako galing kay Andrea "Kaunting panahon nalang Ravi anak ko, makakapag paopera kana" usal ko sa sarili ko
"You have a child?!" matigas na tanong ni sir Craige dahilan para magulat ako, kaya naman agad akong napaharap sakanya
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Nadinig niya ang sinabi ko, medyo napalakas pala
"Sir nandyan pala kayo, ililigpit ko na po ba ang lamesa?" tanong ko ng hindi maka tingin sakanya dahil pakiramdam ko ay inoobserbahan niya ako
"Answer my damn question?!" inis na sagot niya lang sa tanong ko, ang bilis niya talagang mainip
"Meron sir single mother po ako" sagot ko
"So you're one of those girls who get dump by other men after being pregnant!" natatawa niyang sabi
May punto naman ang sinabi niya, dahil noong nabuntis ako naglaho ng parang bula ang lalaking iyon na sana ay hindi ko nakilala
"Iniwan sir hindi tinapon, hindi naman ho ako basura eh" sagot ko habang naka tayo pa rin sa harap niya
"Tssk what ever, isa ka paring babaeng imoral dahil may anak ka at walang asawa!" sabi niya sabay martsa palayo mula sa akin
Tila napatigalgal ako dahil sa sinabi niya, ako imoral at walang kwenta dahil lang may anak ako?! Aba't pasmado ata masyado ang bibig ng isang yon ah
Wala siyang alam sa istorya ng buhay ko para pagsalitaan ako, dapat sa gaya niya minumulat sa totoong buhay ng mabawasan kasamaan ng ugali eh May araw ka rin sa akin si Craige!
****