Chapter 20
Chapter 20
Anikka
"Lukas can we go somewhere? Just you and me" Tapos tumitig siya sa akin ng parang mangagain ng
tao. Sa mga titig na iyon nakaramdam ako ng kilabot, parang mas nangingibabaw sa akin ngayon na
bawiin ko ang sinabi ko, kung hindi ay may mangyayaring di maganda sa akin.
"Oops! Just joking!"
Ewan ko na kung bakit ko nasabi sa kanya yun. Masyado akong nabadtrip kay mama, paano kasi wala
siyang ginawa kundi talakan ako dahil sa pagsukat ko ng wedding gown at gusto ko lang naman na
magpalubag loob. Wala lang kasi akong choice kaya sa kanya ako nagpasama, dahil wala si Lolo or si
Papa. Besides maayos naman siyang kasama, kaso nang-iiwan nga lang.
Nagulat na lang ako ng may humapit sa akin, it was the one and only ang hinayupak na Lukas na iyon.
Tinitigan niya ako sa mata, yung malalalim niyang titig, na kayang makalusaw. Hindi ko siya matignan
ng maayos pero parang nahihipnotismo ako sa kanyang brown na mata na titigan iyon pa iyon lalo.
Ngayon ko napagtanto na mas gumaganda ang kanyang mga mata kapag tinititigan ito lalo.
Lumalapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa maramdam ko ang hininga niya. Is he going to kiss
me? Oh my! No! Kailangan ko siyang pigilan, but I can't even push him, nanlalambot ang mga braso ko
sa kanya. I wan't to run but my foot can't even move. Why? Bakit napakatindi ng epekto niya sa akin?
"Are you sure?" He said huskily on my neck, nakikiliti ako sa pagsabi niyang iyon.
Tapos mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin,halos one inch na lang ang pagitan namin.
Hahalikan niya talaga ako. Wala na lang ako magawa kundi mapapikit na lang.
"Don't assume Ms. Fuentes di kita hahalikan." Agad akong napamulat ng mata? What? Ano ngarod
ang ginagawa niya sa akin. Why is he making me like that, making me to want his kisses. Hinayupak
talaga. Lalo pa ngayon patawa tawa pa ang loko, sarap sapakin!
Hay nako hayaan ko na nga lang siyang tumawa tawa diyan. Magmukha siyang baliw diyan tss.
Lumabas ako sa office ni Ms. Faye at sumakay sa honda jazz ko. Ako na lang ang mag-isa na aalis,
mas maganda kung ako na lang mag-isa, mas magiging panatag pa ang loob ko.
Napagisipan kong pumunta ng tagaytay, kapag sa bahay kasi, baka talakan lang ako ni Mama doon.
May binili kasi si lolo dun na resthouse para sa akin. Kami lang dalawa ang nakakaalam nun, para
kapag may times na malungkot ako dahil sa pag-aaway namin ni mama, may mapupuntahan ako para
magpalubag loob.
I was on my way doon sa villa kung saan yung resthouse ko kaso may humarang sa akin na van.
Aatras sana ako ng may van uli sa likuran ko.
Oh my gosh! What to do?! wala na akong malikuan in short wala na akong kawala. Agad kong nilock
ang pinto, pero parang wala lang din dahil binasag nila ang salamin at nabuksan din ang pinto This belongs to NôvelDrama.Org.
Agad nila akong hinila palabas, pumiglas ako at pinagsasasapak ko sila, pero parang di sila tinatablan.
Sa dami kasi nila at di hamak na mas malakas sila sa akin. Wala akong magawa kaya matagumpay
nila akong nahila at naipasok sa van. Wala akong magawa kundi umiyak, mag-isa lang ako at walang
magawa.Gusto kong sumigaw ng tulong pero tinakpan nila ang bibig ko. Pumiglas uli ako at pilit na
inaalis ang panyo na nakatakip sa bibig ko.
"Anak ng? Ang likot naman nito." Eh bwisit ka rin pala eh. Bakit mo pa kasi ako kinidnap, malamang
mag-pupumiglas ako. Tapos magrereklamo siya diyan! Pakialam niyo!
Hindi pa rin ako kumakalma, kahit umaandar na kami. Hangang sa may naramdaman akong may
tumusok sa braso ko.
Hanggang sa nawalan na ng malay si Anikka.
Agad akong nagising sa naririnig kong alon ng dagat. As in alon talaga? Pero bakit naman ako
mapupunta doon eh nasa tagaytay ako?
Minulat ko ang aking mga mata para malaman kung totoo ang naririnig ko.
Oh my! Nasaan ako?!