Kabanata 32
Kabanata 32
Alam ni Madeline na wala na siyang magagawa nang marinig niya ang sinabi ni Eloise.
Wala siyang pakialam kung lalaitin siya o pagbibintangan siya, ngunit masyadong mahalaga sa kanya
ang trabaho niyang ito.
"Draft? Kailan ka pa naging designer, Maddie?" Nagulat si Meredith. "Ginagamit mo ba yung mga
design sa internet tapos sinasabi mo na ikaw yung gumawa ng mga yun gaya nung ginawa mo nung
college? Maddie, bakit ka nagkaganyan?" Dismayadong tumingin sa kanya si Meredith.
Lalong nagdilim ang mukha ni Eloise nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith. Tiningnan niya ng
masama si Madeline at umalis kasama ang kanyang anak.
Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline nang tingnan siya ng masama ni Eloise.
Gusto sana niyang habulin si Eloise para magpaliwanag, ngunit may humila sa kanya.
Noong mapansin ni Meredith na walang ibang tao sa paligid nila, ngumiti siya ng masama. "Ikaw,
hampaslupa ka, huwag mo nang balakin na makipag kompetensya sakin para sa posisyon ng pagiging
Mrs. Whitman. Malalaman mo din kung anong kapalit ng pakikipag kompetensya sakin Madeline."
Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang mga disenyo niya at tumingin ng masama kay Meredith. Hindi
niya napigilan ang kanyang sarili na sampalin ng malakas si Meredith.
"Walang may alam kung anong mangyayari sakin, pero kitang-kita ko na nakabakat ang kamay ko sa
pisngi mo ngayon."
"Madeline! P*ta ka, ang lakas ng loob mong sampalin ako!" Galit na galit si Meredith.
Ngumisi si Madeline. "Sasampalin kita kung kailan ko gusto. Hindi naman 'to ang unang beses na
sinampal kita. Kung gusto mo, magsumbong ka kay Jeremy pagkatapos mong ayusin yang sarili mo.
Gustong gusto naman niya yung kaartehan mo e."
“...”
Nanggigil si Meredith at hinipo ang kanyang pisngi.
Gusto niyang gantihan si Madeline, ngunit madali itong nakaiwas. Pagkatapos ay tumalikod siya at
umalis.
Alam ni Madeline na magsusumbong ang p*tang yun kay Jeremy. Subalit, hindi niya inasahan na
tatawagan siya agad ni Jeremy.
"Pumunta ka sa Crawford Manor. Ngayon na."
Mahinahon ang tono ng lalaki. Subalit, alam ni Madeline na may nagbabadyang delubyo pagdating
niya sa Crawford Manor.
Pagkatapos ng mga nangyari noon, matagal na hindi umuwi si Madeline sa Crawford Manor. NôvelDrama.Org owns this text.
Pagpasok niya ng pintuan, nakita niyang nakatingin ng masama sa kanya sila Jon at Rose. Para bang
gusto nila siyang sakmalin.
Habang si Jeremy naman ay nakaupo sa sofa at pinalilibutan ng malamig na hangin. Nakaupo sa tabi
niya si Meredith habang umiiyak.
Umirap si Madeline nang makita niya ang pag-arte ni Meredith. Lumapit siya at sinabing, "Nandito na
'ko, Mr. Whitman. Sesermonan mo ba ang legal mong asawa para lang sa kabit mo?"
Tumigil sa pag-iyak si Meredith nang marinig niya ang mga sinabi ni Madeline. Tiningnan ng masama
ni Jeremy si Madeline.
"Madeline, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa'yo?" Nanginig ang puso ni Madeline sa sobrang
lamig ng tono ni Jeremy.
"Ayos lang ako Jeremy. Walang kasalanan si Maddie. Kasalanan ko ang lahat. Asawa ka pa rin ni
Maddie. Hindi dapat kita minahal. Pero, Jeremy, hindi ko kayang wala ka sa tabi ko." Pinigilan ni
Meredith si Jeremy na sermonan si Madeline.
"Mer, tanga ka ba. Tinutulungan mo pa rin yang walang hiyang yan. Tingnan mo nga kung gaano
kalakas ang pagkakasampal niya sayo!" Galit na lumapit si Jon.
Nakita ni Madeline ang bakat ng kamay sa mukha ni Meredith. Yung kaliwang pisngi lang ang sinampal
ni Madeline. Subalit, may bakat ng mga kamay sa magkabilang pisngi ni Meredith ngayon. Bukod pa
dun, namamaga din ang mukha niya at may dugo sa gilid ng mga labi niya.
Halatang may gumawa nito kay Meredith pagkaalis niya.
Hindi napigilan ni Madeline na magsalita. "Kung alam mong may kasalanan ka, bakit ayaw mo pa ring
lubayan yung asawa ko? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo, Meredith?"
"..." Natahimik si Meredith. Makikita ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.
Bahagyang natuwa si Madeline sa kanyang sarili. Subalit, pagkalipas ng ilang segundo, nakatanggap
siya ng isang malakas na sampal.
Slap!
Agad na nahilo si Madeline nang sampalin siya ni Jon. Nalalasahan niya ang dugo sa gilid ng kanyang
mga labi. Bago pa man siya mahimasmasan, muling may sumampal sa kaliwang pisngi niya.
Pagkatapos ay may sumipa sa kanyang paa, dahilan para mapaluhod siya.
Nanlupaypay si Madeline at bumulagta sa sahig. Tatayo na sana si Madeline nang biglang tinapakan ni
Jon ang kanyang kanang kamay.
"Ito ba yung kamay na pinangsampal mo kay Mer?"